Monday, March 17, 2008

Tagos sa puso.

"mari Buno: alam mo
mari Buno: eto na ung subukan ng totoong pagkatao
mari Buno: ipakita mo kung sino talaga ung rhea
mari Buno: kapag tinanggal mo na ung damit/ ung matinis na boses
mari Buno: ung stereotype ni rhea
mari Buno: eto na ung time na masubok na ang rhea na matatag
mari Buno: it's not a bad thing
mari Buno: sometimes, your life has to get a lot harder than before
mari Buno: just for fun"

--> bahagi ng naging pag-uusap namin ni ate mari, ang outgoing vice president at external affairs committee head ng psychsoc, na aking papalitan. pag-uusap tungkol sa bagay na malayo sa trabaho namin, pero parehong malapit sa aming puso. salamat ng marami. sobrang tumagos lang talaga siya.

Marahil ay panahon na nga upang mapatunayan ko ang aking sarili. Yung Rhea na matibay, mas may lalim kaysa sa nakikita nilang paimbabaw na katangian nang pagiging iyakin. Matagal na akong nabigyan ng isteryotipo. Elementary pa lang eh, marami dati ang naiinis sakin. Ang arte arte daw. Pero kasi, ang PAGKATAO, sabi nga sa sikolohiyang pilipino, ay higit pa sa personality. Alam ko sa sarili ko kung ano ang halaga ko bilang tao. At siguro, ang mga mahirap at mapanubok na mga panahon tulad nang ngayon ay ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay upang ipakita ang katatagan ko bilang tao.

2 comments:

Bea said...

Wow, Pinoy na pinoy! Go SP! Hehehe.

Seryoso na, siyempre you are SOOO much more than what people see you in the outside. Labas lang 'yun, iba 'yung loob (SP! Haha). At honestly, super hanga talaga ako sa'yo, Ate Rhea. You're one of the people who made me realize that life can be great and colorful despite the craziness of it all. Kaya mo 'to, Ate Rhea. You're strong. Just be stronger now. Tulungan ka namin. May malakas kang support system sa PsychSoc. Hehe. Dito lang kami lagi for you :)

P.S. In-add na kita sa links ko. Sorry hindi ko nasabi sa'yo na nag-iba ako ng URL, Ate :( Pachange na lang din 'nung link ko dito. Super thanks! *hug*

Rhealeth Ramos said...

ok :)

bea, thank you so much!